Wednesday, November 18, 2009

Nakakainip

Naiinip na ko dito sa office, ewan ko ba nakakainis magtrabaho kasi lalo na kung ang kasama mo ay sobrang tamad!!!! uber tamad na pana!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! lahat ng trabaho sakin lang bumabagsak sympre dahil natural akong mahadera tinanong ko kung anong pinaggagagawa nya sa buhay nya netong mga nakaraang araw. Ang sagot nya sakin may pinapagawa daw kasing mga pangalan si boss na gagawing stickers para sa give away ng new year. Tinanong ko ulit sya sabi ko kelan pa matatapos yun? sabay hirit ng db may kopya ka na nyan dahil every year nmn gumagawa ka nya????????? sabi ba nmn sakin ccheck daw nya isa isa ulit. !@#$%^ so eto tinamad akong magtrabaho nagsearch nalang ako ng news, nagblog hopping at kung ano ano pa.
Dahil tsismosa ako nakita ko ung regarding sa affair ni manny pacquiao saka krista ranillo, hinde ko pa nababasa ung article pero naiinis na ko kasi sa lahat ng ayoko ung mga regarding sa mga ganyang 3rd party. Hinde ko na tinuloy...ahehehehe
Nagblog hopping ulit ako, parang sinusundan ako ng pacquiao-ranillo issue pati blog na nababasa ko tungkol dun. Hanggang sa madako ako sa dako pa roon at my nabasa kong nagsasabi na ayos lang daw gawin yun ni manny as long na nagagampanan nya mga responsiblity nya. Nagcomment ako kasi naover the top ang inis ko ahahhahah!!! inde ko na lalagay san ung nabasa kong un pero sana lang talaga wag mangyari sa nanay nya or kapatid nya or kahit sinong mahal nya sa buhay ung nangyayari kay jinkee. Prayer ko din kay papa jesus sana kung may girlfriend siya sana magbreak na sila kasi kawawa sya sa taong yun, kung may asawa naman sya, gudluk sa asawa nya. Meron pala syang follow up blog regarding dun, well ang masasabi ko lang hinde ako elitist babae ako kaya ganun ang reaksyon ko, wag ka ng magpaliwanag :)

No comments: